Pagibig, isang salitang malalim, di maipaliwanag. Madalas ng sambitin kasi sa pag ibig, kapag nasanay nang banggitin ay nawawala na ang ibig sabihin. Parang lokohan na lang, wala na ang kislap ng salitang pag ibig na sadyang mailap, dahil maraming tao na ang naloko at nagago ng salitang "Mahal kita" na di naman totoo. Sadyang mapait lalo na ang umibig at umasa na may kapalit dahil tanga na ngayon kapag ang iyong naramdaman ay pilit mong isiningit.
Malubha ang kalagayan ng pusong nagmamahal. Hindi mo alam kung ano ang nasa isip at ayaw mo siyang tanungin upang hindi masakal ng pag ibig mo na ang nasi mo lang ay makamtan ang walang hanggang pag ibig at matamis na oo na tila napakalapit, ngunit di makawit ang puso ng irog na pilit mong inaabot pero imposible.
Imposible.
Imposible na maabot dahil pilit lumalayo,
Lumalayo ang agwat
Ang dating gabing mahaba ay tila naputulan na ng pakpak, hindi na malaya
Ang mga oras na magkapiling tuwing umaga ay nauuwi sa pagtatalo,
Pagtatalo na nauuwi sa salitang hindi na mababago
May mga araw na hindi nag uusap at tila malabo na ang tingin sa isa't isa ay parang wala na
Masayang umpisa na nauwi sa mapait na pagtatapos
Pero alam mo ang mas masakit?
Ang malaman na simula pa lang ay wala naman talagang kayo
Walang kayo pero nagtatalo.
Walang kayo pero magdamag magkausap sa telepono
Walang kayo pero magkasama sa labas na nakikita ng ibang tao
Walang kayo ngunit lagi mong hatid sundo sa trabaho
Walang kayo, at kailan man, hindi naging kayo
Pag ibig na akala, hindi pala totoo.
Lumipas ang araw, buwan at taon, bulag man sa katotohan na ang ending man ay hindi naayon
Lalo na sa mga gab na malamig at siya ang nakasanayan mong kapiling ay hindi mo na maibabalik
Yung araw na nasayang, mga oras na nabura, mga ngiti na pinilit, mga tinagong hinanakit, mga lugar na kasama siyang nakita, lahat ay naging isa na lamang mapait na ala- ala.
Inibig mo siya ng higit sa buo, pero ang sa kanya, hindi pala totoo
Malubhang katotohanan na ang salitang "Mahal kita" Ay nababanggit kahit hindi naman bukal sa kalooban.
Lahat ng bagay na nagpapaalala tungkol sa kanya ay pilit mong nililimot ngunit nahihirapan
Dahil paano mo makakalimutan kung lahat ng dating daan na inyong nilalakaran ay iyo ng kabisa
Lahat ng masasarap na kainan na nais mong puntahan ay siya ang pinapapaalala
Pilit mang limutin ang poot at talikuran ang nakaraan ay hindi makaya sapagkat ang bawat kabanata ng masayang ala- ala ay siya ang nakikita.
Mahirap, sobrang hirap.
Sobrang hirap na kumapit sa maliliit na bagay na nais mong panghawakan
Mga bagay na pinanghawakan mo noon na ngayon ay isa na lang mapait na kasinungalingan
Panlilinlang at pag- asa na magiging kayo ng buo pero mas pinili nya na bitawan ka na lang bigla at siya naman ay tuluyan ng lumayo.
11/24/2015 5:52 am
xrt
No comments:
Post a Comment